Home METRO Halos P4M shabu nasabat sa buy-bust

Halos P4M shabu nasabat sa buy-bust

CEBU CITY, Philippines- Aabot sa P4 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam mula sa isang 28-anyos na hinihinalang tulak sa isang buy-buy operation sa Brgy. Kalunasan sa lungsod na ito nitong Lunes.

Isinagawa ang drug bust ng alas-5:25 ng hapon sa Sitio Laya, sa Brgy. Kalunasan, ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas (PDEA-7), Naval Forces Central at ng Guadalupe Police Station.

Kinilala ang subject ng operasyon na isang nagngangalang Charles Clue Aragon, na kabilang sa listahan ng PDEA-7 ng target personalities, base sa ahensya.

Nakuhanan si Aragon ng 17 packs ng hinihinalang shabu, na may bigat na 575 gramo at may street value na tinatayang P3.91 milyon.

Batay kay Leia Alcantara, information officer ng PDEA-7, dalawang linggo nilang minanmanan ang ilegal na aktibidad ni Aragon.

Mahaharao ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o pagbebenta at posesyon ng ilegal na droga. RNT/SA

Previous articleDating pulis-Maynila na tulak ng droga, timbog!
Next articleTiger Woods binitiwan ng Nike