Home NATIONWIDE Hamon ng PNP sa Degamo slay suspect: Bintang na tortyur, patunayan

Hamon ng PNP sa Degamo slay suspect: Bintang na tortyur, patunayan

238
0

Hinamon ng Philippine National Police (PNP) ang isa sa mga suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo na magbigay ng ebidensiya para suportahan ang kanyang sinasabing tinortyur ng mga pulis para aminin ang pagkakasangkot niya sa krimen.

Si Jhudiel Rivero, isa sa mga dating sundalong sangkot sa pagpatay kay Degamo, ay nagsabing pinilit siya ng pulisya na aminin ang kanyang pagkakasangkot sa masaker noong Marso 4.

Sinabi ni PNP public information office chief Brig. Gen. Redrico Maranan na ang mga alegasyon ay hindi ebidensya at kailangang patunayan ni Rivero ang kanyang mga pahayag.

Itinanggi ni Rivero, sa kanyang counter affidavit, na kilala niya ang umano’y utak na si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr.

Muling pinagtibay ng PNP ang kanilang pangako sa karapatang pantao at Anti-Torture Act of 2009, na nagsasaad na ang mga pulis ay napatunayang lumabag sa batas mahaharap sa matinding parusa.

Ang PNP ay nagpahayag ng tiwala sa kakayahan ng sistema ng hudikatura na tiyakin ang isang patas at walang kinikilingan na proseso at inulit ang dedikasyon nito sa pagtataguyod ng karapatang pantao sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga human rights desk sa mga istasyon ng pulisya sa buong bansa.

Binigyang-diin ng PNP ang kahalagahan ng objective facts at forensic findings sa kanilang imbestigasyon at sinabing walang humpay silang maghahangad ng hustisya habang pinoprotektahan ang karapatang pantao. RNT

Previous articleBahay-ampunan sa QC pinasara ng DSWD
Next articleMost wanted na jeepney driver nalambat sa Muntinlupa

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here