Home METRO Haponesa, ‘di makabayad ng renta sa unit, nagbigti

Haponesa, ‘di makabayad ng renta sa unit, nagbigti

358
0

MANILA, Philippines – Posible umanong matinding pag-iisip sa renta ng inuupahang unit ang dahilan ng pagpapatiwakal ng isang Haponesa na dumadaan sa financial crisis sa Malate, Maynila Huwebes ng gabi, Mayo 18.

Nakilala ang biktimang si Morita Koichi, 58, nanunuluyan sa Unit 10 sa Kapitan Tikong Street, Townhomes, Malate.

Sa imbestigasyon ni PSMS Jason Ibasco ng MPD-Homicide Section, alas-9:27 ng gabi nang madiskubre ang pagkamatay ng biktima ng may-ari ng unit na si Matilde Cruz, na nakabigti gamit ang nylon cord sa metal grill ng hagdanan sa maindoor ng naturang unit.

Agad niyang ipinagbigay alam sa nakakasakop na Barangay at inimpormahan naman nila sa Malate Police Station 9, hanggang sa ireport ito sa tanggapan ni Captain Turla.

Advertisement

Nauna rito, sinisingil umano ni Cruz ang biktima sa upa ng unit sa pamamagitan ng phone call.

Ilang beses na tinawagan ni Cruz ang Haponesa ngunit hindi na ito sumasagot kaya minabuting puntahan na lamang sa inuupahang unit.

Inabutan ni Cruz ang pintuan na nakabukas at nakita ang biktima na nakalambitin kaya agad itong ipinagbigay-alam sa barangay.

Ang pulisya ay nakikipag-unayan na rin sa Embahada ng Japan upang ipagbigay alam ang insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article7 nasagip sa lumubog na bangka sa Mindoro
Next articleBrgy. kagawad, 2 pang tauhan huli sa pagbebenta ng nakaw na baka

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here