Home NATIONWIDE Hatol ng Navotas RTC sa mga pumatay kay Jemboy, iaakyat ng DOJ...

Hatol ng Navotas RTC sa mga pumatay kay Jemboy, iaakyat ng DOJ sa CA

MANILA, Philippines – Aapela ang Department of Justice sa naging hatol ng Navotas City RTC Branch 286 hinggil sa kaso ng pagpaslang sa 17-anyos na si Jherode Jemboy Baltazar dahil sa mistaken identity.

Ayon kay Justice Spokesperson Atty Mico Clavano, kikwestyunin ng DOJ sa Court of Appeals (CA) ang hatol ni Judge Pedro Dabu Jr ng Navotas City RTC Branch 286.

Marami aniyang argumento sa hatol ni Judge Dabu na maaaring bàtayan sa idudulog na petisyon sa appellate court kabilang dito ang conspiracy at intent to kill nang pagbabarilin ng mga pulis ang papatakas na si Jemboy.

Sa desisyon ni Judge Dabu, hinatulang guilty sa kasong homicide si PSSgt Gerry Maliban na ginawaran nang hanggang anim na taong pagkabilanggo at multang ₱100,000.

Sina Police Executive M/Sgt. Roberto Balais Jr., Police Staff Sergeant Nikko Esquilon, Police Corporal Edward Jade Blanco, at Patrolman Benedict Mangada ay guilty sa kasong illegal discharge of firearms ay pinakukulong ng hanggang apat na buwan.

Pinawalang-sala si Police Staff Sergeant Antonio Bugayong, Jr. dahil hindi napatunayang nagpaputok ng baril, ipinag-utos din ang agarang pagpapalaya kay Bugayong. Teresa Tavares

Previous articleLotto Draw Result as of | February 27, 2024
Next articleKolehiyala lumutang sa dagat