Home NATIONWIDE Hawaii binalaan ng US sa pagkuha ng Chinese police ng Kiribati

Hawaii binalaan ng US sa pagkuha ng Chinese police ng Kiribati

HAWAII – Binalaan ng Estados Unidos nitong Lunes, Pebrero 26 ang mga bansa sa Pacific sa pagkuha ng Kiribati ng Chinese police.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Kiribati acting police commissioner, Eeri Aritiera, na nagtatrabaho kasama ang pulisya ng bansa ang uniformed Chinese officers para sa seguridad at crime database program.

Ang Kiribati ay isang bansa sa Pacific na may 115,000
residente.

Pinakamalapit ito sa Honolulu, Hawaii sa layong 2,160 kilometro.

“We do not believe importing security forces from the PRC (People’s Republic of China) will help any Pacific Island country.  Instead, doing so risks fueling regional and international tensions,” sinabi ni spokesperson for the U.S. State Department.

Idinagdag pa ng opisyal na hindi kukunsintihin ng Washington ang “transnational repression efforts” ng China, kabilang na ang pagtatayo ng mga police station sa buong mundo.

“We are concerned about the potential implications security agreements and security-related cyber cooperation with the PRC may have for any Pacific Island nation’s autonomy,” dagdag pa ng tagapagsalita.

Itinuturing na ‘strategic’ ang Kiribati hindi lamang sa layo nito sa Hawaii kundi ang pagiging isa sa pinakamalaking economic zones na mayroon ito, na mahigit 3.5 million square kilometer.

Mayroon din itong Japanese satellite tracking station.

Inanunsyo ng China ang plano nito na muling buuin ang World War II U.S. military airstrip sa Kanton Island ng Kiribati.

Tinapatan ito ng Estados Unidos sa pangako na pauunlarin nito ang wharf sa Kanton Island, na dating military base ng US.

Sinabi rin ng US na nais nitong magbukas ng embahada sa Kiribati.

Inamin naman ni Aritiera na humiling ito ng police assistance mula sa China noong 2022 ngunit walang police station ng China sa nasabing bansa.

Nasa isang dosenang uniformed Chinese police ang dumating sa six-month rotation noong nakaraang taon. RNT/JGC

Previous articleAgri damage sa El Niño tumaas sa P810M – NDRRMC
Next articleNegosyante patay sa lumipad na motorsiklo