Home METRO Health caravan idinaos sa Navotas

Health caravan idinaos sa Navotas

147
0

MANILA, Philippines – NAGDAOS ng health caravan ang lokal na pamahalaang lungsod ng Navotas bilang bahagi ng selebrasyon ng National Lung Month and Family Planning Month.

Nakinabang ang mga Navoteños ng libreng health services tulad ng x-ray, family planning, adult lifestyle-related disorder screening, mental health assessment, brief tobacco intervention, HIV screening at fluoride treatment.

Ang lahat ng nakiisa ay nabigyan ng mga libreng gamot at bitamina at nakapagparehistro sa PhilHealth Konsulta, ang komprehensibong outpatient benefit sa ilalim ng Universal Health Care Law.

“Health care has always been one of our priorities. As such, we endeavor to make health services more accessible to our citizens,” ani Navotas City Mayor John Rey Tiangco.

Hinimok ni Mayor Tiangco ang mga Navoteños na magpakonsulta ng regular medical checkup nang mabawasan ang pagkakasakit o magamot agad kung may karamdaman.

“Let us make it a habit to regularly visit our health care facilities and take advantage of the free services they offer. Do not wait until your condition gets worse,” dagdag ng alkalde

Pinayuhan rin ni Tiangco ang lahat na gawin ang healthy lifestyle sa pamamagitan ng healthy diet regular exercise.

Pinuri ng PhilHealth ang Navotas City Hospital bilang isa sa Top Performing Health Care Institutions pagdating sa mababang bilang ng count of return-to-hospital (RTH) taong year 2022.

Nasungkit din ng Navotas ang silver award sa Treatment Coverage Rate ng Tuberculosis sa Department of Health Race upang wakasan ang TB Annual Awards. (R.A Marquez)

Previous articleCOC filing sa NCR, Abra, Ilocos Norte sinuspinde sa sama ng panahon
Next article3 patay sa masaker sa Catbalogan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here