Home NATIONWIDE Health workers sumugod sa DOH sa ‘di pa rin natatanggap ng emergency...

Health workers sumugod sa DOH sa ‘di pa rin natatanggap ng emergency allowance

MANILA, Philippines – Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso ngayong araw, muling sinugod ng mga militanteng grupo sa tanggapan ng Department of Health (DOH).

Ito’y upang ipanawagan ang matagal ng hindi nakukuhang health emergency allowance mula pa noong Covid-19 pandemic.

Nanguna sa kilos protesta ang mga miyembro ng Alliance of Filipino Workers (AFW).

Giit ng grupo, ilang taon ng naaantala ang nasabing allowance na una ng ipinangako noong nakaraang administrasyon.

Nanawagan din ang grupo na magbitiw sa pwesto si Health Secretary Ted Herbosa lalo na’t hindi naman daw nito nagagampanan ang trabaho.

Giit din ng grupo na walang nagagawa ang nasabing kalihim para sa kapakanan ng tulad nilamg healthcare workers kung saan hindi napapakinggan ang kanilang mga hinaing.

Kaugnay nito, umaapela sila sa kasalukuyang administrasyon na masolusyunan sana ang problema na kanilang kinakaharap sa usapin ng allowances.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articlePagtatanim ng marijuana, cannabis product tablado sa DOH
Next articleWanted na OFW arestado sa Pasay