Home ENTERTAINMENT Heart at Pia, naudlot ang pagkikita!

Heart at Pia, naudlot ang pagkikita!

Manila, Philippines – Sobrang laki ng venue kung saan ginanap kamakailan ang Tater Ball 2023.

Sa sobra ngang laki, there was hardly any chance for Heart Evangelista and Pia Wurtzbach to bump into each other.

Kung nagkataon, it would have been a spectacle to behold.

Hanggang ngayon kasi, kahit matagal nang tapos ang Paris Fashion Week which they both attended ay pilit pa ring pinagsasabong na parang mga manok sina Heart at Pia.

Puwera pa rito ang paglipat ng dating glam team ni Heart sa kampo ni Pia.

So far, individually sighted at the said event ang dalawa.

May kuha si Heart kasama si Liza Soberano na first time um-attend ng Tatler Ball.

In fairness, parehong pasabog ang kasuotan nina Heart at Pia.

As for the Miss Universe 2015, bumagay ang kanyang gown sa suot niyang Bulgari jewelry.

lisipin nga ng mga naroon na Paris Fashion Week ang inatenan ni Pia.

Tungkol naman kay Heart, she was wearing a black and white haute coutoure gown gawa ni Giambattista Paris.

Take note, it took seven months to get the work on the gown done!

The curious netizens can only ask kung magkano ang nasabing gown vis a vis Pia’s by Mark Bumgarner.

Sinadya kaya ng kapalaran na hindi nagkita roon sina Heart at Pia?

At least, separately ay nagkaroon sila ng “moment” which wouldn’t have possibly taken place kung nagpang-abot sila. Ronnie Carrasco III

Previous articleBJMP ginawaran ng Gold Trailblazer Award sa PGS Initiation Stage
Next articlePickleball, laro para sa Pinoy