Manila, Philippines – Up to now, hindi pa rin tinatantanan ng mga intriga si Heart Evangelista magmula nang magkaroon siya ng falling out sa kanyang glam team.
Sa kanyang Instagram broadcast channel na “Heart to Heart,” game niyang sinagot ang isang tanong ng netizen kung paano niya hinaharap ang umanoý tila demolition job sa kanya dahil diumano sa shadow ban.
Sa pamamagitan kasi ng shadow ban, nagiging less visible sa publiko ang mga feed niya sa kanyang mga ganap.
Ito ay nangyayari sa tulong ng kakuntsabang third-party developer.
Tanong ng fan sa Queen of Creative Collaborations: “How did you manage to recover emotionally, mentally or spiritually sa nang-abuso sa kabutihan ninyo po?”
Sagot naman ng aktres: “You recover by
realizing that it’s okay, it was part of the criminal plan with their criminal minds. You would realize the reason why they worked so hard to put you down is because you actually have a great life.”
Sa nasabing video, sinabi pa ng fashionistang aktres na nasa punto na raw siya ng kanyang buhay na matatag na siya at palaban sa mga taong kumakalaban sa kanya.
“Matapang na ako ngayon hindi na talaga ako papayag. Dati mabait ako, ngayon hindi na,” ani Heart.
“So, kung nagtataray ako, may dahilan iyon. You could take everything, but I will find ways to work hard and get it back,” pahabol niya.
Kamakailan lang ay naging usap-usapan si Heart dahil sa emote niya tungkol sa attempt ng ilang tao na i-ban ang kanyang social media accounts bilang bahagi ng black propaganda sa kanya.
Nakarating din sa kanya sa pamamagitan ng kanyang followers na hindi pala nababasa ang kanyang feeds dahil sa nasabing ban. Archie Liao