Manila, Philippines – 2018 wasn’t exactly a friendly year for Heart Evangelista.
Ito kasi ang taon when she had a miscarriage, gayong asang-asa siya na mabibigyan na niya ng anak ang asawang si Senator Chiz Escudero.
But it seems that the truism “Hope springs eternal” doesn’t necessarily hold water for Heart.
Sa himig kasi ng pananalita niya in her guesting on Fast Talk with Boy Abunda ay tanggap na raw niya kung sakaling hindi na niya mararanasan in this lifetime ang maging isang ganap na ina.
Pero nagpapasalamat ang fashionistang aktres sa kanyang mga “angels” who made her feel being a mom.
While Heart’s situation may threaten to affect any woman’s marriage ay kakaiba sa kaso nila ni Chiz.
Unconditional daw ang love na ipinararamdam sa kanya ni Chiz.
Goodbye na rin daw sa mga isyu noon tungkol sa kanilang problematic marriage: “Everything is in place now.”
Samantala, alam ng lahat na pabalik-balik si Heart sa Paris.
Work-related kung bakit ginagawa niyang parang nariyan lang ang French capital, lalo pa’t she acquired an apartment there.
Doon na nga ba niya balak mag-settle?
Heart was quick to correct the public impression: “Ano naman ang gagawin ko doon? Paano na ang kabuhayan showcase dito? Hindi ko iiwan ang Pilipinas, it’s my home!”
Nakakaaliw ang pahabol na linya ni Heart to prove na hindi niya pinangarap manirahan sa Paris.
“Paano na ang mga aso ko? Aso talaga,” Heart chortled.
Idagdag pa ang kanyang pasaway na pusa na si Panda. Ronnie Carrasco III