Heat index sa Cavite, Camarines Norte, pumalo sa 47°C

Heat index sa Cavite, Camarines Norte, pumalo sa 47°C

May 22, 2020 @ 7:43 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Naitala sa Daet, Camarines Norte at Sangley Point sa Cavite City nitong Biyernes, Mayo 22, ang pinakamataas na heat index ngayong araw, sa 47°C, ayon sa PAGASA.

Samantala, naitala naman sa Legazpi City at Science City of Munoz, ang heat index na 46°C habang nasa 44°C naman ang nasa Iba, Zambales at Infanta, Quezon.

Nagbabala ang PAGASA sa posibleng heat cramps at heat exhaustion na maaaring magresulta sa heat stroke sa gitna ng patuloy na physical activity.

Samantala, umabot naman sa 41°C ang heat index na naitala sa PAGASA station sa Science Garden, Quezon City bandang alas-12 ng tanghali.

Naitala din sa kaparehas na oras ang maximum temperature na 35°C. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...