Home SPORTS Heat mascot nadala sa ER, sinapak ni Conor McGregor

Heat mascot nadala sa ER, sinapak ni Conor McGregor

MIAMI, FLORIDA – Ayon sa lumang kasabihan, mas sasaya ang laro hanggang may masaktan.

Iyan mismo ang nangyari sa lalaking gumaganap na mascot sa Miami Heat na si Burnie, dahil kinailangan niyang pumunta sa isang lokal na emergency room noong Sabado (oras sa Manila) matapos dalawang beses na masuntok ni UFC star Conor McGregor sa isang on-court na palabas  sa Game 4 ng NBA Finals sa Miami , ayon sa isang ulat.

Ginamot ang lalaking nasuntok ni McGregor sa isang ospital at nasa mabuti na itong kalagayan, ayon pa sa ulat.

 “We will not reveal who that is, but yeah, he can take a punch and get back up,” sabi ni Miami coach Erik Spoelstra sa mga mamamahayag noong Linggo tungkol sa lalaking naglalarawan sa mascot ng koponan. “Hindi siya magpapahinga anumang oras.”

Bilang bahagi ng palabas, si Burnie, na nakasuot ng fighter’s robe at malalaking gloves, ay lumipat patungo kay McGregor sa midcourt sa isang fighting stance.

Si McGregor, na nagpo-promote ng pain-relief spray, ay binanatan si Burnie gamit ang left hook at pagkatapos ay pinamaan ng isang diretsong suntok sa mukha sa headgear ng mascot habang si Burnie nakahiga sa sahig.

Si McGregor, ang unang manlalaban sa kasaysayan ng UFC na humawak ng magkasabay na kampeonato sa dalawang magkaibang klase ng timbang, ay nagsisilbing coach sa Season 31 ng “The Ultimate Fighter” reality show sa telebisyon.

Hindi pa lumalaban si  McGregor mula nang mabali ang kanyang kaliwang binti sa pakikipaglaban kay Dustin Poirier noong Hulyo 2021.

Natalo ang Heat 108-95 noong Sabado, at susubukan na iwasang ma-knockout ng Denver Nuggets, na may 3-1 lead at maaaring masungkit ang NBA championship sa Game 5 ng best-of-seven series sa Martes gabi.JC

Previous articleLotto Draw Result as of | June 12, 2023
Next articlePH active COVID-19 caseload, bumaba