Home METRO Helper pinagtripan ng bangag sa Tondo

Helper pinagtripan ng bangag sa Tondo

199
0

MANILA, Philippines – PATRAYDOR nang pagsasaksakin sa likod ang isang 27-anyos na helper habang nakatayo lang sa Mel Lopez Boulevard, Tondo, Manila umaga ng Miyerkoles.

Mabilis namang naisugod sa Tondo Medical Center ang biktimang si Cliford Nate Mariano, residente ng Sitio Sto Niño NBBS Proper, Navotas City na nasa kritikal na kondisyon habang sinusulat ang balitang ito.

Samantala, patuloy ang manhunt operation ng pulisya sa suspek na kinilalang si alyas “Marvin” na umano’y nasa 5’2 ang taas.

Base sa ulat ng pulisya, bandang 9:30 ng umaga, habang nakatayo lang ang biktima, nang bigla umanong sumulpot si alyas ” Marvin” at walang sabi-sabing pinag-uundayan ng saksak ang biktima saka mabilis na tumakas.

Tinutugis na ngayon ang suspek na mahaharap sa kasong frustrated muder. Rene Crisostomo

Previous articleKelot na tulog ‘di na nagising sa baril ng kainuman
Next articleBong Go, suportado si FPRRD bilang special envoy sa China

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here