Home METRO Hepe ng Malabon killer cop, sinibak

Hepe ng Malabon killer cop, sinibak

MANILA, Philippines- Sinibak sa pwesto ang hepe ng Malabon City Police at ang team leader ng Drug Enforcement Unit (DEU) kaugnay ng pagkakadawit ng isang pulis-Malabon sa pamamaril at pagkamatay ng dalawang lalaki at pagkasugat ng isang babae.

Dahil sa command responsibility ay tinanggal si Col. Jay Baybayan, dating Malabon Police chief, at Lt. Jonas Gato, commander ng unit ng suspek na si Patrolman Zenjo Del Rosario.

Kinasuhan na noong Huwebes ang suspek ng two counts of murder, at isang kaso ng frustrated murder sabay balibag sa kanya sa selda.

Sa paunang resulta ng ballistic examination ay positibong ipinutok ang isinuko nitong baril at tugma rin ito sa mga na-recover na ebidensya.

Bagama’t ikinalungkot ng pambansang pulisya ang pagkakadawit na naman ng pulis sa krimen, isa umano itong oportunidad para malinis ang kanilang hanay. Merly Iral

Previous article‘Jenny’ tropical storm na
Next articlePass-through fee sa mga LGU pinasuspinde ni Pangulong Marcos