Home NATIONWIDE Herbosa muling itinalaga ni PBBM bilang DOH Sec

Herbosa muling itinalaga ni PBBM bilang DOH Sec

MANILA, Philippines- Muling itinalaga ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. si Dr. Ted Herbosa bilang kalihim ng Department of Health (DOH).

Inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) na magsisilbi si Herbosa bilang interim secretary.

Matatandaan na unang itinalaga ng Pangulo si Herbosa bilang DOH Secretary noong Hunyo.

Bago pa ito, nagsilbi siya bilang special adviser ng National Task Force Against COVID-19 noong kasagsagan ng pandemya.

Naupo rin si Herbosa bilang undersecretary ng Department of Health (DOH) sa administrasyon ng namapayapa na si dating Pangulong Benigno Aquino III.

Samantala, bukod kay Herbosa, inanunsyo rin ng Malakanyang ang pagkakatalaga kina dating Armed Forces chief Gen. Andres Centino bilang Presidential Assistant for Maritime Concerns, na may ranggo o tungkulin na Kalihim; Lorna Francisca Catris Cheng, Ma. Consejo Gengos-Ignalaga, at Raymond Joseph Javier bilang  associate justices ng Court of  Appeals; Henry Angeles bilang associate justice ng Court of Tax Appeals; at Juliet Manalo-San Gaspar bilang associate justice sa Sandiganbayan.

Matatandaang araw ng Martes nang ma-bypass ng Commission on Appointments ang ad interim appointment ni Pangulong Marcos kay Herbosa dahil sa “lack of material time.” Kris Jose

Previous articlePass-through fee sa mga LGU pinasuspinde ni Pangulong Marcos
Next articleSC sa PCSO: Premyo ng mananaya ibigay kahit bahagyang nasunog lotto ticket