Home OPINION HERBOSA sa PHILHEALTH: MGA BENEPISYO palawakin

HERBOSA sa PHILHEALTH: MGA BENEPISYO palawakin

Naglabas ng mahigit Php257 milyon ang PhilHealth o Philippine Health Insurance Corporation bilang paunang pondo para sa Primary Care Provider Networks (PCPNs) upang lalo pang palakasin ang primary care benefit nito na kilala bilang Konsulta o Konsultasyong Sulit at Tama Package.

Ayon kay PhilHealth President and CEO Emmanuel R. Ledesma Jr., malaking tulong ito sa accredited Konsulta fa­cilities sa ilalim ng mga partner networks upang tiyakin ang kahandaang magsilbi sa mga pasyenteng nag-a-avail ng mga serbisyo ng Konsulta mula konsultasyon, health screening at assessment at pagbibigay ng angkop na gamot at laboratory batay sa rekomendasyon ng kanilang Konsulta provider.

Naglaan ang PhilHealth ng P30 bilyon ngayong taon upang paigtingin ang pagpapatupad ng Konsulta sa mas marami pang networks at para mailapit ang Konsulta sa marami pang rehiyon lalo na sa mga geographically isolated and depressed areas.

Bilang chairperson ng PHILHEALTH Board, nagbigay ng direktiba si DOH o Department of Health secretary Teodoro Herbosa na magkaroon ng pagpapalawak sa primary care benefits ng health insurance corporation.

Kasunod ito ang hiling ni House of Representative speaker Ferdinand Martin Romualdez na dagdagan pa ang mga sakop na serbisyo sa ilalim ng KONSULTA o Konsultasyong Sulit at Tama kabilang na rito ang pagkakaroon ng libreng ultrasound at mammography na kinakailangan ng mga pasyente.

Nauna nang hiniling ni Speaker Romualdez sa PHILHEALTH ang pagsagot nito sa kalahati man lang ng hospital bills ng mga nadadala sa paying ward ng mga pribadong hospital.
Sa pagpupulong ng BENCOM o Benefits Committee ng PHILHEALTH na pinamumunuan ng DOH secretary pero si DOH assistant secretary Albert Edralin Domingo ang kumakatawan sa kalihim ay aprubado ang pagkakaloob ng ultrasound at mammogram at epektibo ito ngayong July 2024.

Ayon sa mismong datus ng PHILHEALTH, sa Php451 billion na household out-of-pocket payments ay nasa 19.2% ang napupunta sa pharmaceuticals o gastos sa mga gamot.

Sa pamamagitan ng PHILHEALTH Circular No. 2023-0029 ay sinimulan ang Outpatient Drug Benefit Package o ang Gua­ranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment o PHILHEALTH GAMOT.

Previous articleTulak tiklo sa P374K shabu
Next articlePALIT O EKSTENSYON?