Home ENTERTAINMENT Herlene at manager, may isyu? ENTERTAINMENTLOCAL BIZSHOWBIZTOP STORIES Herlene at manager, may isyu? July 9, 2023 13:00 406 0 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Hindi pinangalanan ni Wilbert Tolentino ang subject niya sa kanyang post na sinasabi niyang “ingrata.” Pero marami ang humuhulang ang tinutukoy ng talent manager cum businessman ay walang iba kundi ang alaga niyang si Herlene Budol. Ayon sa hanash ni Wilbert, nakakadala raw tumulong sa isang taong hindi marunong mag-appreciate ng magagandang nagagawa niya. Wala raw itong value o malasakit. Worse, pabalang pa raw kung sumagot. Tiniyak pa ni Wilbert that given these undesirable traits ay magkakaroon lang ng problema ang anonymous na taong ‘yon saan man siya mapadpad. Wilbert dropped a line na magpapatunay na ang hanash niya’y patungkol kay Herlene. Anito: “Boycott muna sa sizzling gambas at tempura, allergic ako!” Ang Japanese delicacy na tempura ay gawa sa hipon. Nahulaan naman ito agad ng kaibigan at co-owner ni Wilbert sa isang KTV bar na si Genesis Gallios. Ni-remind ni Genesis ang reference ni Herlene sa “dog show” bilang sagot sa Q & A portion sa Miss Grand Philippines kung saan kandidata siya. Kasama ring pinaalala ni Genesis ang pagiging dog lover ni Herlene sa interview sa kanya sa Fast Talk with Boy Abunda. Ani Genesis na obyus na nakikisimpatya kay Wilbert: “Buti pa ang aso, may loyalty!” Inisyu rin nito ang pagiging arogante ng pinariringgan ni Wilbert. Ayaw raw nitong pinagsasabihan, gayong para rin naman daw ito sa ikabubuti niya. Pinayuhan ni Genesis ang taong ‘yon na humingi ng dispensa sa mga kasama sa teleserye sa pagiging pasaway nito. Eh, sino pa ba ang sinasabihan nina Wilbert at Genesis kundi si Herlene? God forbid, huwag namang mangyaring bitawan ni Wilbert si Herlene isa sa mga araw na ito. Wala na yatang mas masakit sa tenga kundi ang masabihang walang utang na loob ang taong tinulungan mo. Ganoon ka nga ba, Herlene? Ronnie Carrasco III