Home ENTERTAINMENT Herlene, sasali sa MUPH!

Herlene, sasali sa MUPH!

421
0

Manila, Philippines – Hindi pala sa Binibining Pilipinas nagsimula at nagtapos ang pangarap ni Herlene Budol na makasungkit ng korona.

It will be recalled the once-called Hipon Girl finished first runner-up in the said national pageant last year.

Herlene also took home the most number of special awards.

She was supposed to represent the country in the Miss Planet International in Uganda, dangan nga lang at nagkaroon ng aberya.

Herlene was rumored to be joining Miss Globe dahil gusto raw niyang pagbigyan ang kahilingan ng kanyang mentor-manager na si Wilbert Tolentino.

Sa katatapos lang na Miss Universe Philippines, nahingan ng reaksyon si Herlene sa pagkapanalo ng kapwa niya Kapuso artist na si Michelle Dee.

“Deserved ni Michelle ang panalo niya. Siguro naman, walang halong pulitika. Hindi naman ako sumali, eh,” sabi ng dating Hipon Girl.

Naging hudyat tuloy ang sagot niyang ‘yon para tanungin si Herlene kung may plano rin ba siyang sumali sa MUPH.

“Twenty three pa lang naman ako ngayon. Ano bang maximum age, 27? Siguro, within that period, sasali ako,” aniya.

Hindi matatawaran ang kalidad ng mga kandidata sa MUPH.

Hindi lang kasi ganda ang tinitingnan doon kundi talino at galing din sa pagsasalita.

What makes Herlene think she has got what it takes to be a MUPH candidate?

“Nag-aaral po ako maging matalino. Nagbabasa-basa at may tutor din po ako,” aniya.

Giit ni Herlene, consciously raw ay hindi niya ‘yon ginagawa bilang paghahanda sa pageant, “Kundi para sa sarili ko, para sa sarili kong improvement.”

So, if Herlene is 23 years old now, she still has barely four years to qualify as far as age requirement is concerned.

Kakayanin din ba sa loob ng apat na taon para tumalino siya at humusay sa pagsasalita lalo na ng Ingles?

Let’s give Herlene an A for confidence! Ronnie Carrasco III

Previous articlePokwang, nag-post ng before and after pic sabay hugot!
Next articleOperasyon ng Manila Central Post Office ililipat muna

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here