Home ENTERTAINMENT Herlene, sinorpresa ng mga senior citizen!

Herlene, sinorpresa ng mga senior citizen!

Manila, Philippines – May bawi naman pala ang ‘di kaaya-ayang isyung kinasasangkutan ni Herlene Budol.

Of late, iniuugnay si Herlene sa dating leading man sa kanyang pinagbidahang seryeng Magandang Dilag na si Rob Gomez.

Nag-leak kasi sa social media ang umano’y malaswang convo nila, bagay na pinalagan ng Kapuso comedienne.

Ani Herlene, squammy man daw siya sa paningin ng tao’y hindi naman daw siya hayok sa laman.

In her Facebook account nitong December 23, pinasalamatan ng binansagang Hipon Girl ang kanyang mga nagtipun-tipong tagahanga to show their support.

Kinabibilangan ito ng mga nanay at senior citizens.

Sila ay ‘yung mga nasa likod ng career ni Herlene apat na taon na ang nakakaraan.

Touched si Herlene dahil sa effort ng mga ito na nagmula pa sa malalayong lugar para sorpresahin siya.

This group of supporters was formed noong nagko-co-host pa si Herlene ng Wowowin.

Naganap ang pagtitipong ‘yon sa tulong ng dati niyang manager na si Wilbert Tolentino.

Kahit paano, aminado raw si Herlene na gumaan ang kanyang kalooban sa show of support na ‘yon ng kanyang mga tagahanga.

May mangilan-ngilan namang tila nagpost ng ilang ‘di magagandang komento.

Isa na roon ang isang netizen na nagpost na: “Kain ka lang nang kain hanggang mabulunan ka!”

Masasabing naging maaga ang realization kay Herlene ng mga bagay-bagay na kinakaharap niya.

Gaya ng post niya: “Showbiz talaga, kahit dedicated ka sa trabaho, gagawan ka ng isyu!”

Sa tantya niya kasi, ever since she began her career ay tatlong beses na raw siyang nabalitang buntis. Ronnie Carrasco III

Previous articleParasite actor Lee Sun-kyun, natagpuang patay sa loob ng sasakyan
Next articlePandemic accord isinusulong ng WHO sa 2024