Home ENTERTAINMENT Herlene, waging Miss Tourism Phils!

Herlene, waging Miss Tourism Phils!

319
0

Manila, Philippines – Kinoronahang Miss Tourism Philippines sa Miss Grand Philippines ang kinatawan ng Angono, Rizal at Kapuso actress na si Herlene Budol nitong Huwebes ng gabi sa Mall of Asia Arena.

For bagging the title, tumanggap ng cash prize si Herlene at P500,000 worth of contract sa isang film company.

Naiuwi rin ni Herlene ang apat na special awards.

Kabilang dito ay ang Miss Kape tan Cafe Best in Runway, Miss Ever Bilena at Miss Mermaid Manila Hair at Miss ArenaPlus with P100,000 cash prize.

Marami ang nag-akalang hindi mapapasama si Herlene sa Top 10 mula sa labinlimang kandidatang unang pinili.

Panghuli kasi siyang tinawag.

Kuwela ang eksena sa Q & A portion para sa sampung finalists.

Ang napuntang tanong kay Herlene ay: What do you think is the most urgent problem among the youth today, how do you think can we address it?

Mababakas sa mukha ni Herlene ang kaba at nerbiyos nang umabot na siya sa naturang segment.

Nagsimula na siyang sumagot pero huminto siya at mid-sentence.

Ibinaling niyang muli ang kanyang tingin sa tumayong interpreter niya para malinawan sa tanong.

Pagkatapos ay sinagot na ni Herlene ang tanong bagama’t manaka-naka siyang tumitigil para mag-isip ng sasabihin.

In essence, naniniwala raw si Herlene na ang pinakamatinding ptoblemang kinakaharap ng kabataan ay edukasyon.

Naniniwala raw siya sa kasabihang ang kabataan ay pag-asa ng bayan.

Maririnig sa background ang hiyawan at palakpakan ng audience.

Pero ang nakakatawang parte roon ay nang sabihin ni Herlene on mic na: “Iinglesin niya po ‘yon!” habang nakatingin sa interpreter.

Ang titulong Miss Tourism Philippines ay ikalawa nang puwestong nasungkit ni Herlene.

Matatandaang she finished first runner-up in last year’s Binibining Pilipinas.

In her last interview, posible raw na subukan ni Herlene na sumali rin sa Miss Universe Philippines. Ronnie Carrasco III

Previous articlePinas suportado ng ASEAN sa kandidatura para sa pwesto sa UN Security Council
Next articleAspartame sweeteners posibleng ‘carcinogenic’ – WHO  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here