UNITED STATES – Pinagbagsak ng US fighter jet ang isang hindi pa tukoy na bagay na palutang-lutang sa mataas na himpapawid ng Alaska, nitong Biyernes, Pebrero 10.
Ito ang sinabi ng White House, anim na araw pa lamang makalipas ang pagpapabagsak naman sa isang Chinese spy balloon sa nasabing bansa.
Ayon kay White House National Security Council spokesman John Kirby, hindi pa malinaw kung ano ang layunin o saan naggaling ang high-altitute object na iyon, ngunit dahil ito ay lumilipad sa taas na 40,000 feet ay kailangan itong pabagsakin.
“The president ordered the military to down the object,” ani Kirby.
Ang naturang bagay ay mas maliit kaysa sa Chinese spy balloon na tumawid sa United States noong nakaraang linggo at pinabagsak ng US fighter jet sa Atlantic coast noong Sabado, Pebrero 4 ani Kirby.
“It was roughly the size of a small car,” aniya.
“We do not know who owns it, whether state owned or corporate owned. We don’t understand the full purpose.” RNT/JGC