Home ENTERTAINMENT High-end store ni Daniel, for sale na rin!

High-end store ni Daniel, for sale na rin!

Manila, Philippines – Sunud-sunod na talaga yatang dinidispatsa ni Daniel Padilla ang kanyang mga assets.

As we all know, nauna na niyang naibenta ang kanyang Chevrolet Corvette sports car sa halagang more than P6M.

Sinundan ito ng kanilang two-storey house sa Quezon City priced at Р50М.

May tsika pang ang franchise niya ng KFC sa Tacloban City ay to go na rin.

Ang latest, for sale na rin daw ang high-end store ni Daniel.

It sells clothing para sa mga mahihilig sa skateboarding.

Balitang ilang branches ang meron nito ang aktor.

Ang iba’y solo niya at may mga kasosyong sina Zanjoe Marudo at Joshua Garcia.

Ayon sa source ni Ogie Diaz na kunektado rin sa negosyong ito, hindi na raw nagre-restock si Daniel.

As in hindi na niya nire-replenish ang mga items doon kundi pinauubos na lang niya.

Ang kagandahan nga lang sa high-end store na ‘yon, it gives as much as 70% discount to its valued clients.

Duda ni Ogie sa dahilan ni Daniel kung bakit niya ito ibinebenta, baka makikisosyo ang aktor sa ibang negosyo.

Hindi binanggit sa online program ni Ogie how much the actor is selling his store branches. Ronnie Carrasco III

Previous articlePagtanggap ng signature forms, itinigil ng Comelec
Next articleSen. Tolentino humarap sa mga kagawad sa Laguna