Home HOME BANNER STORY High quality rice na tatapat sa Japan, Thailand ilulunsad ng Pinas

High quality rice na tatapat sa Japan, Thailand ilulunsad ng Pinas

Malapit nang ipakilala ng Pilipinas ang isang mataas na kalidad na bigas na nakahanda nang pumasok sa pandaigdigang pamilihan, ayon sa Philippine Rice Institute.

Tatawagin itong bigas na “Lakambini”, ayon pa sa PhilRice.

Sinabi ni PhilRice Development Communication Division Head Hazel Antonio na gagawa sila ng mataas na kalidad na bigas na kapantay ng iba pang kilalang produkto ng bigas sa pandaigdigang pamilihan tulad ng Japanese rice o Jasmine rice ng Thailand.

Sinabi ni Antonio sa pagdiriwang ng National Rice Awareness Month ngayong taon, isinusulong nila ang Philippine rice ng lahat ng uri ng bigas na gawa sa lokal.

Ayon kay PhilRice Deputy Executive Director Karen Barroga, mayroon na ngayong “premium rice” ang bansa na tinatawag na NSIC Rc 160 na nakatakdang maging tatak ng bigas ng Pilipinas.

“160 is a premium rice. So, iyong mga iyon ay magiging tatak sana ng Philippine rice so that they will have that association na quality rice,” ani Barroga.

Sinabi pa ni Antonio na ilulunsad nila ito bilang Lakambini rice sa lalong madaling panahon katuwang ang Resto PH.

“Iyon po iyong ili-label natin na Philippine Rice na talagang masarap. Ipapakilala din natin sana sa ibang bansa na parang Jasmine,” ani Antonio.

Gayunpaman, hindi ibinunyag ng mga opisyal ng PhilRice kung kailan nila ilulunsad ang Lakambini rice. Santi Celario

Previous articleK-Mutuals nakaabang na sa #AAA2023inPH sa ticket pre-sale!
Next articleOil price rollback nakaumang!