Home NATIONWIDE High rating ng Kamara magsisilbing motibasyon

High rating ng Kamara magsisilbing motibasyon

MANILA, Philippines – Magtutulak sa mga mambabatas ang mataas na trust at performance rating na nakuha nito sa fourth quarter survey ng OCTA Research, ayon kay House Speaker Martin Romualdez.

Sa pinakahuling OCTA survey na isinagawa mula Disyembre 10 hanggang 14, 2023 nakakuha si Romualdez ng 64% trust rating, mataas ito ng 4% kumpara sa 60% rating noong Oktubre habang ang performance rating nito ay 65% na tumaas din ng 4%.

“While surveys serve as a gauge of public sentiment, they should never be viewed as a reward for our hard work. Instead, they serve as a reminder of the responsibility we bear as public servants to ensure that every action we take is in the best interest of the Filipino people,” reaksyon ni Romualdez sa lumabas na syrvey.

“The trust bestowed upon us by the public fuels our commitment to work tirelessly in crafting legislation that addresses the needs and concerns of our fellow Filipinos. It reaffirms our belief that our efforts are making a positive impact on the lives of our constituents,” dagdag pa nito.

Sa kaparehong survey nakapagtala si Pangulong Bongbong Marcos Jr. ng 76%, Vice President Sara Duterte-Carpio, 77% ; Senate President Juan Miguel Zubiri sa 57 porsyento at Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo na nakakuha ng 23%.

Ang performance rating naman ng Pangulo ay 71 porsyento, si Duterte ay 75 porsyento, at si Gesmundo ay 18 porsyento.

Kinuha sa OCTA Research survey ang opinyon ng 1,200 respondents na edad 18 pataas. Gail Mendoza

Previous articleMga single na empleyado ng Basud, Cam Norte LGU pwede mag-leave sa Valentine’s Day
Next articleProposed P100 minimum wage hike sa pribadong sektor, nakaabot na sa Senate plenary