Home NATIONWIDE Highest fish unloading sa 2023, naitala noong Nobyembre – PEDA

Highest fish unloading sa 2023, naitala noong Nobyembre – PEDA

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) Regional Fish Ports ang pinakamataas na monthly fish unloading para sa 2023, noong Nobyembre sa 49,718,434 metric tons.

Ayon sa PFDA, halos kalahati ng kabuuang bilang ay nagmula sa General Santos Fish Port Complex, na nag-ambag ng 24,377.649 MT ng isda.

Samantala, ang Zamboanga Fish Port Complex at Davao Fish Port Complex, ay nakapagtala ng pagtaas sa monthly unloading na 1,157.45 MT at 440.39 MT, noong Nobyembre.

Nagkaroon ng bahagyang pagbaba sa fish unloading sa Iloilo Fish Port Complex at Lucena Fish Port Complex dahil sa sama ng panahon.

Ang Iloilo Fish Port ay nakapag-ambag ng 1,652.7 MT ng isda habang ang Lucena Fish Port ay 1,458.32 MT ng isda noong nakaraang buwan.

Mayroong 19,404.97 MT ng isda ang ibinagsak sa Navotas Fish Port Complex, 1,144.4 MT sa Bulan Fish Port Complex, at 82.57 MT sa Sual Fish Port. RNT/JGC

Previous articleBackchannel talks sa China ipinanukala ni Gatchalian
Next articleDOJ tinuligsa ni De Lima sa pagtanggi sa pagbalik ng 11 PDLs sa NBP