Home OPINION HIGHEST RATING” MULA SA COA, NAKUHA MULI NG PAG-IBIG FUND

HIGHEST RATING” MULA SA COA, NAKUHA MULI NG PAG-IBIG FUND

145
0
SA ika-labing isang beses na sunod-sunod na pagkakataon ay muling nakamit ng Pag-IBG Fund ang pinakamataas na audit ratings na ipinagkakaloob ng Commission on Audit.

Muling ipinaalam ng State Auditors na matapos ang masusing pagsusuri sa libro ng pananalapi nito ay kumbinsido sila sa paglalabas ng unmodified opinion on the fairness of the “Financial Statement” para sa mga taong 2021 at 2022.

Nauna nang nabigyan ng modified opinion ang ulat ng Pag-IBIG Fund para sa taong 2021 ngunit dahil sa nakita ng komisyon ang pagsunod nito sa mga naging rekomendasyon nito partikular sa pagsasaayos ng data migration system ay iniakyat ito sa unmodified opinion, kaya naman, labing-isang taon na dire-diretsong unmodified opinion ang nakukuha ng ahensya simula taong 2012.

Labis na ikinatuwa ni Department of Human Settlements and Urban Development secretary at siya ring chairperson ng Pag-IBIG board of trustees, Jose Rizalino Acuzar, ang tinawag niyang “significant milestone” sa kasaysayan ng ahensya, at pagpapatunay umano ito sa mahusay na pamamahala mula noon hanggang sa kasalukuyan.

Pinasalamatan naman ni Pag-IBIG Fund chief executive officer Marilene Acosta ang pamunuan ng COA para sa pagkumpleto sa taong 2022 bilang “best performing year” ng ahensiya. Gayundin ang mga empleyado ng Pag-IBIG Fund. Patuloy aniya itong magsisilbing inspirasyon sa kanila para lalong pagbutihin ang pagbibigay ng “Lingkod Pag-IBIG” na serbisyo. #

-ooOoo- 

NCH PEDIATRIC RESIDENCY TRAINING PROGRAM, 
PATULOY NA TUMATANGGAP NG APLIKANTE

Ipinaaalam ng Department of Pediatrics ng National Children’s Hospital na patuloy pa rin itong tumatanggap ng aplikante para sa 3-year Pediatric Residency Training Program nito.

Batid naman ng health professionals sa ating bansa ang husay at kalidad ng NCH sa pangangalaga sa kalusugan ng mga bata lalo pa’t isa ito sa mga specialty hospital na nasa direktang superbisyon ng Department of Health (DOH).

Malaki ang bentahe kapag nagkaroon ka ng kasanayan sa NCH, dahil mayroon ditong hands-on management, maraming clinical materials na maaaring mapag-aralan at masuri, at isa ang ospital na pambata sa bansa na may “highly functioning mentoring program”.

Bukod pa sa mababait at may malasakit na consultants ay competitive naman ang entry level salary na Php 63,997.00 pesos na katumbas ng salary grade 21 (SG21) ng mga nasa pamahalaan.

Sa mga interesado, kontakin lang sina Dr. Henry Lat at Dr. Romely Escobido sa mobile phone na 09755144079 o personal na bumisita sa NCH na matatagpuan sa 264 E. Rodriguez, Sr. Avenue, Quezon City.

Samantalahin ang pagkakataon na maging mahusay at may pusong manggagamot na maibabahagi ng NCH. 

Previous articlePilipinas yumuko sa AVC Challenge Cup for Men
Next articleLocal testing centers sa 2023 Bar exams, alamin!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here