MANILA, Philippines – Inaasahang muling bababa ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo—ikalawang sunod na linggo ng rollback.
Ayon sa Department of Energy, batay sa pandaigdigang kalakalan:
>Diesel: ₱1.00 hanggang ₱1.35/liter
>Kerosene: ₱1.30 hanggang ₱1.45/liter
>Gasolina: ₱0.30 hanggang ₱0.75/liter
Mga dahilan sa rollback:
>Pagtaas ng produksyon ng OPEC+ para sa Hunyo
>Kakulangan ng katiyakan sa global tariffs at US-China trade talks
Ang Opisyal na anunsyo ng rollback ay sa Lunes, epektibo sa Martes. RNT