Home METRO Higit ₱181K shabu nasabat sa 2 tulak sa Taguig

Higit ₱181K shabu nasabat sa 2 tulak sa Taguig

MANILA, Philippines – Nadakip ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City police ang dalawang suspects na nakuhanan ng mahigit P181,000 halaga ng shabu madaling araw ng Huwebes, Hunyo 6.

Sa report ng Southern Police District (SPD) ay nakilala ang mga nadakip na suspek na sina alyas Jose, 47, at isang alyas Jonathan, 32.

Ayon sa SPD, nasakote ang mga suspek sa ikinasang buy-bust operation dakong ala-1:30 ng madaling araw sa Barangay Pinagsama, Taguig City.

Sa isinagawang operasyon ay narekober sa posesyon ng mga suspek ang 10 plastic sachets na naglalaman ng 26.76 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱181,968.00; isang itim na pouch; at ang ₱200 na buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Taguig City police. James I. Catapusan