Home NATIONWIDE Higit 1.4M naghain ng COC para sa BSKE

Higit 1.4M naghain ng COC para sa BSKE

259
0

MANILA, Philippines- Mahigit 1.4 milyon ang nagsumite ng Certificate of Candidacy (COC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataang Elections sa Oktubre 30, ayon sa inilabas na datos ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon sa Comelec, kumpara noong huling barangay election ay ‘di hamak na mas marami ngayon ang bilang ng mga nagsumite ng kanilang kandidatura.

Kasabay nito, nilinaw ni Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na bagama’t pinal na ang bilang ng mga COCs na kanilang inilabas, ito ay sasailalim pa sa pag-aaral para sa mga nakabinbing petisyon na maaring magresulta ng kanselasyon ng COC, disqualification o pagtukoy bilang nuisance candidate .

Sinabi ni Laudiangco na inaasahang mareresolba sa Sept. 19, 2023 ang mga petisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article43rd ASEAN summit umarangkada na
Next articleCHED chair tutol sa screening test para sa free college tuition

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here