IRAQ – Mahigit 100 katao ang nasawi at 150 ang nasugatan sa sunog sa isang kasalan sa distrito ng Hamdaniya sa lalawigan ng Nineveh.
Sa ngayon, patuloy ang paghahanap at pagrekober ng civil defense sa mga nasunog na kalansay.
Sinabi ni Nineveh Deputy Governor Hasan al-Allaq sa Reuters na 113 katao ang kumpirmadong namatay.
Nag-ugat ang sunog sa sinindihang paputok para sa pagdiriwang.
“We saw the fire pulsating, coming out of the hall. Those who managed got out and those who didn’t got stuck. Even those who made their way out were broken,” anang isa sa mga nakaligtas.
Ayon sa mga nakasaksi sa lugar, nasunog ang gusali na pawang gawa sa light materials dakong alas-10:45 ng gabi sa lokal na oras (1945 GMT) habang daan-daang tao ang dumalo sa oras ng insidente. RNT