Home METRO Higit 1,000 baboy kinatay sa Antique sa gitna ng ASF scare

Higit 1,000 baboy kinatay sa Antique sa gitna ng ASF scare

MANILA, Philippines- Naiulat na nalulugi ang hog industry ng Antique ng P9 milyon matapos mahigit isang libong baboy ang katayin sa gitna ng pangamba sa African swine fever (ASF).

Naiulat ang pagkamatay ng mga baboy mula sa 18 barangay sa bayan ng Hamtic sa nasabing lalawigan, ayon sa datos ng municipal agriculture office nito noong Huwebes.

Hindi pa natatanggap ng local agriculture authorities ang resulta ng blood samples na ipinasuri nila upang kumpirmahin kung sapul nga ng ASF ang mga baboy sa bayan.

Nagtalaga na ng ASF border control points sa Antique upang pigilan ang pagkalat ng sakit.

Bagama’t hindi nakahahawa ang ASF sa mga tao, malaki na ang naging epekto ng pagkalat nito sa hog industry ng bansa.

Nauna nang makumpirma ang mga kaso ng ASF sa mga karatig-probinsya ng Antique sa Visayas, kabilang ang Negros Oriental, Negros Occidental, at Cebu. RNT/SA

Previous articleIka-162 anibersaryo ng kapanganakan ni Dr. Jose Rizal, ginunita
Next article3 operator ng e-sabong, arestado!