MANILA, Philippiens – Aabot sa 10,816 candidates na law graduates ang inaasahang kukuha ng 2023 Bar Examinations simula sa September 17, 2023 (Linggo).
Sa abiso ng Korte Suprema, mula sa nabanggit na bilang ay 5,832 ang itinuturing na “first timers.”
Habang ang 4,984 ay muling susubok makaraang bigong makapasa sa mga nakalipas na pagsusulit sa pagka-abogado.
Ayon sa Korte Suprema, nasa 2,571 na bar personnel ang idedeploy sa buong bansa, partikular sa National Headquarters at sa 14 na local testing centers (LTC).
Ang 2023 Bar exams ay idaraos sa Sept. 17, 20 at 24, kung saan mayroong 6 na core subjects na aprubado ng Court En Banc.
Ito ang Political and Public International Law (15%); Commercial and Taxation Laws (20%); Civil Law (20%); Labor Law and Social Legislation (10%); Criminal Law (10%); at Remedial Law, Legal and Judicial Ethics with Practical Exercises (25%).
Sinabi ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando, chairperson ng 2023 Bar, araw-araw nilang minomonitor ang mga tugon at feedback ng Bar applicants ukol sa iba’t ibang paabiso na nilalabas kaugnay sa pagsusulit. Teresa Tavares