Home NATIONWIDE Higit 1,200 show cause order sa pasaway na kandidato inisyu ng Comelec

Higit 1,200 show cause order sa pasaway na kandidato inisyu ng Comelec

MANILA, Philippines – Mahigit 1,200 show cause order na ang na-isyu ng Commission on Elections (Comelec) na mga sangkot sa umano’y premature campaigning para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, mahigit 300 na rin ang tumugon sa show cause order.

Nauna nang nagbabala ang Comelec sa mga local na opisyal na mahaharap sila sa kaso kung makikialam sa pag-isyu ng show cause orders at pagtanggal ng mga illegal campaign materials para sa BSKE.

Ayon kay Comelec chairman George Garcia ito ay matapos silang nakatanggap ng ulat mula sa kanilang local offices na ilang local officials sa Bulacan, Laguna, at Surigao ang nagbanta laban sa mga tauhan ng komisyon.

Pinayuhan din nito ang kanilang mga tauhan na balewalain ang banta at magpatuloy sa kanilang trabaho.

Idadaos ang BSKE sa October 30,2023. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleKapitan patay sa dating kasamahang NPA
Next articleParusa ng ABS-CBN kay Baron, tanggal na!