MANILA, Philippines- Mahigit 180,000 pulis ang ipakakalat sa darating na barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa October 30 upang magbantay sa voting centers sa buong bansa.
Inanunsyo ng Philippine National Police, na ipinahatid ng public information office (PIO), ang poll deployment nito ngayong Huwebes.
“Sa amin pong security plan ay mag de-deploy ng 187,600 na PNP personnel sa mga voting centers,” anito.
Samantala, idinetalye ni PNP spokesperson Colonel Jean Fajardo ang police movements sa Election Day.
“Sa national, regional, provincial, local police, full deployment po ang mangyayari niyan sa BSKE,” pahayag niya nitong Miyerkules.
“From the national headquarters, may binababa po tayong mga personnel at para tumulong po doon sa mga areas na particularly doon po sa mga napasailalim ng yellow, orange and red alert,” dagdag niya.
Noong August 15, tinukoy ng PNP ang 27 areas of concern sa ilalim ng red alert.
Ito ang mga lugar na mayroong “grave security threats” o kasaysayan ng election-related violence.
Tinukoy din ng mga pulis ang 232 areas sa ilalim ng orange alert, na nangangahulugan ng serious threats.
Mahigit 4,000 sites ang nakasailalim sa yellow alert sa pagkakaroon ng ilang poll-related troubles sa nakalipas.
Mahigit 37,000 komunidad naman ang itinuturing na ‘green’ dahil sa kawalan ng security problem.
Inilahad ng PNP na hindi pa aprubado ng Commission on Elections ang listahan. RNT/SA