Home HOME BANNER STORY Higit 1K ektarya ng bundok sa Benguet sinalanta ng forest fire

Higit 1K ektarya ng bundok sa Benguet sinalanta ng forest fire

MANILA, Philippines – Mahigit 1,000 ektarya na ng bulubunduking lugar sa Tuba, Benguet ang sinira ng forest fire na tumagal ng apat na oras.

Ayon sa mga awtoridad, apat katao ang nasagip mula sa sunog.

Ang sunog sa Tuba ay isa lamang sa pitong forest fire na tumama sa probinsya ng Benguet, kasama ang Itogon, Kabayan at Bokod.

“Ongoing pa rin yung forest fire natin, although controlled naman sa mga malalapit sa Kabayan, sa mga tower,” ayon kay BFP Tuba Fire Marshall Fire Senior Inspector Meson Asing Jr.

Sa datos ng BFP-CAR, mahigit 60 forest fires na ang naitala sa rehiyon mula noong Enero 1.

Makikita rin sa datos na mayroong 2,518 sunog ang sumiklab sa bansa mula Enero 1 hanggang Pebrero 23, 200 ay mula sa Metro Manila. RNT/JGC

Previous articleChinese Embassy sa Pilipinas: Ulat ng paninira ng China sa marine environment sa WPS, ‘di totoo!
Next articleMga opisyal ng Philippine Navy bumisita sa mga tropa sa Kalayaan Island