Home NATIONWIDE Higit 1K piskal ipakakalat sa bansa sa pagresolba sa cybercrime cases

Higit 1K piskal ipakakalat sa bansa sa pagresolba sa cybercrime cases

MANILA, Philippines – Madaragdagan na ang mga piskal sa bansa para tutukan ang mga kaso na may kinalaman sa cybercrime.

Ito ay matapos lumagda sa joint circular sina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman para sa magiging staffing standards sa National Prosecution Service.

Auon kay Remulla, sa pamamagitan ng naturang circular, magkakaroon ng karagdagan na 1,073 na piskal at 364 na prosecution attorneys sa buong bansa.

Iginiit ng kalihim na para malabanan ang nag-iiba ibang istilo ng mga kriminal, kailangan magpakalat ng madaming public prosecutors na may malalim na kaalaman sa mga ligal na nuances, digital forensics, at investigative techniques.

Una nang sinabi ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group na tumaas ng 152 percent ang bilang ng cybercrime cases sa Metro Manila sa unang anim na buwan ngayong taon.

Nasa P155 milyon ang natangay dahil sa scams at panloloko mula Enero hanggang Agosto 2023.

Inihayag naman ni Pangandaman ang kahalagahan ng prosecution service na dapat ay nalalapitan agad ng mga Pinoy. Teresa Tavares

Previous articleEksaktong ulat sa ‘cult’ abuses sa Socorro, layon ng ocular ng mga senador – Bato
Next articleKapalpakan ng Nat’l Muslim Affairs sa taunang Hajj pinaiimbestigahan sa Senado