Home NATIONWIDE Higit 2 libong BHWs, indigents sa N. Ecija inayudahan ni Bong Go

Higit 2 libong BHWs, indigents sa N. Ecija inayudahan ni Bong Go

MANILA, Philippines – Personal na tinulungan ni Senator Christopher “Bong” Go ang libu-libong barangay workers at indigents sa Santa Rosa, Nueva Ecija noong Miyerkoles.

Ininspeksyon din niya ang Multi-Purpose Facility nito na nagsisilbing evacuation center na sinuportahan niya para maitayo bilang vice chair ng Senate Finance Committee.

Kilala bilang Mr. Malasakit, idiniin ni Go na mahalagang patuloy na tulungan ng pamahalaan, partikular ang mga pinakamahihirap na miyembro ng lipunan.

Bilang anak ng Nueva Ecija, namahagi si Go at ang kanyang Malasakit Team ng grocery packs, meryenda, bitamina, masks, kamiseta, basketball, at volleyball sa higit 2,000 benepisyaryo, kinabibilangan ng Barangay Health Workers (BHWs)at mahihirap na residente.

Nakatanggap din ang ilan ng bisikleta, relo, sapatos, at mobile phone.

Binigyan din suportang pinansyal mula sa lokal na pamahalaan ang mga kwalipikadong benepisyaryo na dumalo sa pagtutulungan nina Senator Go at Governor Aurelio “Oyie” Umali.

Ayon kay Go, adbokasiya niya ang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience sa pamamagitan ng kanyang inihaing Senate Bill No. 188. Layon nito na lumikha ng isang ahensya na nakatuon sa pagbuo ng adaptive, disaster-resilient na mga komunidad. Isa rin siya sa co-sponsor at isa sa may-akda ng Senate Bill No. 2451, mas kilala bilang Ligtas Pinoy Centers Act, na magtatag ng mga mandatoryong evacuation center sa buong bansa.

At para kilalanin at suportahan ang pagsusumikap ng barangay officials at health workers, inihain ni Go ang Senate Bill No. 197, o ang Magna Carta for Barangay, na layong bigyan ang mga opisyal ng barangay ng karagdagang suporta at benepisyo kung magiging batas.

Ang SBN 427 naman o ang Barangay Health Workers Compensation Act kung magiging batas, ay titiyak sa patas na kompensasyon at benepisyo para sa mga frontline health worker.

Samantala, personal ding ininspeksyon ni Go ang Nueva Ecija Evacuation Center na una niyang itinaguyod na mapondohan.

Bukod sa Evacuation Center, sinuportahan din niya ang mga proyekto sa Santa Rosa, tulad ng pagtatayo ng Multi-Purpose Building sa Barangay Rajal Centro.

Pinuri ni Go ang pagsisikap ng mga opisyal ng probinsiya ng Nueva Ecija, sa pangunguna nina Congressman GP Padiernos, Gobernador Oyie Umali, Bise Gobernador Doc Anthony Umali, at dating Gobernador Cherry Umali, sa kanilang patuloy na pagsuportado sa mga nasasakupan.

“Nung mga panahon na hindi natin kayang makita ang isa’t isa, nung hindi natin kayang abutin ang bawat isa, merong Senator Bong Go, lumalabas, yumayakap, kumakamay, gumagawa ng paraan para tulungan ang bawat pamilya hindi lang sa Nueva Ecija, kundi sa buong Pilipinas.

Ang tunay na malasakit, na hindi alintana kung ano man ang panahon,” ang papuri naman ni Umali kay Go. RNT