Home HOME BANNER STORY Higit 200 katao naospital sa hinihinalang food poisoning sa Agusan

Higit 200 katao naospital sa hinihinalang food poisoning sa Agusan

MANILA, Philippines – Mahigit 200 indibidwal sa Agusan del Sur ang isinugod sa ospital dahil sa hinihinalang kaso ng food poisoning.

Ayon sa Philippine Red Cross (PRC) nitong Miyerkules, Pebrero 21, nasa 216 katao sa Barangay Tandang Sora, Esperanza ang naospital nitong Lunes ng gabi dahil sa pananakit ng tiyan at pagsusuka.

Martes ng gabi, iniulat naman ng PRC Agusan del Sur Chapter na may 90 pasyente ang nakalabas na ng ospital.

Ipinag-utos na ni Agusan del Sur Governor Santiago Cane Jr. ang suspensyon ng food aid distribution sa mga evacuees na lumikas sa matinding pagbaha, dahil karamihan sa mga ito ang nakaranas ng pananakit ng tiyan at pagsusuka.

“The welfare of the people is of utmost concern to us and we are doing everything we can to ensure that every individual taken to the hospital is out of harm’s way at the soonest time,” sinabi ng PRC.

Dagdag pa, sinuspinde na rin umano ang hot meals program sa probinsya habang iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente.

“Rest assured that PRC supports the investigation. PRC remains transparent and will closely coordinate with the local government on this serious matter,” sinabi ng PRC.

Nitong Lunes, namahagi ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority ng malinis at libreng inuming tubig sa pamamagitan ng potable purifiers sa mga residente ng Barangay Lapinigan, San Francisco, Agusan del Sur, dahil nakararanas ang probinsya ng problema sa mapagkukuhanan ng malinis na tubig dahil sa mga pagbaha. RNT/JGC

Previous articleRape victims inakusahan ni Quiboloy na may ‘Potiphar’s wife syndrome’
Next article14 sugatan sa tumagilid na jeepney; 2 pang jeep damay