MANILA, Philippines- Naharang ng mga awtoridad ang isang shipment na naglalaman ng mahigit 200 kilo ng shabu sa Manila International Container Port (MICP) noong Huwebes.
Sinabi ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Col. Jean Fajardo sa isang press conference na base ito sa inisyal na impormasyon mula sa imbentaryo ng Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG).
Ayon kay Fajardo, nakatanggap ng intelligence information noong weekend ang PDEG (PNP Drug Enforcement Group) hinggil sa shipment na naglalaman ng malaking halaga ng illegal drugs mula Mexico.
“The initial report given to me is that there are around 200 to 275 kilos at least but according to the latest report, there could still be more,” pahayag ni Fajardo.
Sinabi ni Fajardo na ipinaabot ng PDEG ang impormasyon sa Bureau of Customs na nagsagawa ng inspeksyon sa mga kargamento sa loob ng isang container van.
Base aniya sa X-ray inspection, nakumpirma na ang kargamento ay mga iligal na droga at lumabas sa initial test na shabu pero hinhintay pa ang opisyal na ualt sa kabuuang quantity. Jocelyn Tabangcura-Domenden