Home NATIONWIDE Higit 20K Pinoy workers apektado sa POGO

Higit 20K Pinoy workers apektado sa POGO

MANILA, Philippines – Mahigit 20,000 mga manggagawang Pinoy ang maaaring direktang maapektuhan sakaling nagtagumpay ang pagbabawal ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa.

Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa Kapihan sa Manila Bay forum na karamihan ngayon ng mga nasa POGO base sa inisyuhan ng DOLE ng Alien Employment Permits o AEPs sa nakaraang limang taon hanggang ngayon ay nasa mahigit 400,000.

Pero buhat aniya noong Enero 2024 hanggang Abril 2024, sinabi ni Laguesma na base sa hawak nilang dokumento, ang nabigyan ng kabuuang AEPs na ngayon ay tinawag nang Internet Gaming License (IGL), ang karamihan ay mga Vietnemese na may 3,109; Chinese na may 2,613; Indonesia, 1,198; Burmese , 526; Malaysia, 383;Taiwanese,224; Thai, 128; South Korea, 72,Brazilian, 22; Lao,18.

Nilinaw naman na ang mga mangagawang Pilipino na umaaray at maapektuhan sa mga POGO ay mga skilled workers.

“Ang isa sa mainit na usapin kasi diyan ay may kinalaman ika nga ay may kinalaman sa reputasyon ng ating bansa—na hindi tayo sang-ayon na ang ating bansa ay pagpupugaran ng mga masasamang gawain.”

“Its not actually something na pwede mong itolerate lamang kung mayroong mga paglabag o illigitimate activities na ginagawa,” saad ni Laguesma.

Kaugnay nito, nakipagkasundo ang DOLE sa Bureau of Immigration para magkaroon ng profiling ng mga dayuhang manggagawa na nagtatrabaho sa mga online gaming.

Sa kabila ng maraming mga manggagawang umaasa sa POGO, halos wala namang namomonitor ang DOLE na mga paglabag sa unfair labor practice.

Hinikayat din nila ang mga manggagawa na magtayo ng Labor Union upang mangalagaan ang kanilang karapatan. Jocelyn Tabangcura-Domenden