Home NATIONWIDE Higit 2,400 websites na sangkot sa e-sabong ops tinanggal ng PNP

Higit 2,400 websites na sangkot sa e-sabong ops tinanggal ng PNP

MANILA, Philippines- Mahigit 2,400 websites para sa electronic-sabong o online cockfighting purposes ang tinanggal sa ilalim ng executive order na inilabas noong nakaraang taon upang matiyak ang suspensyon nito, ayon kay PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) director Brig. Gen. Sidney Hernia nitong Martes.

Sa kabila ng implementasyon ng Executive Order (EO) No. 9, na inilabas noong December 28 ng nakaraang taon, sinabi ni Hernia na na-monitor nila ang 2,817 websites na sangkot sa “e-sabong” operations mula noong nakaraang taon.

 “We communicated this to the National Telecommunications Commission for the NTC to direct different telcos to block those sites,” pahayag ni Hernia sa mga mambabatas sa hearing ng House committee on games and amusements nitong Martes.

“With the constant communication with the NTC, telcos were able to block 2,470 out of the 2817 websites, and as of our latest monitoring yesterday [we discovered] 37 active websites, and we have sent this list to NTC,” dagdag niya.

Bukod sa pag-block sa mga site, inihayag ni Hernia na patuloy ang pagtunton ng CIDG operatives at iba pang police units sa iba’t ibang studio na ginagamit ng online cockfighting operators. RNT/SA

Previous article3 patay sa Hinatuan quake – NDRRMC
Next article1,611 pasado sa December 2023 physical, occupational therapist board exams