Home METRO Higit 250 homeless individuals nakatanggap ng regalo sa ‘LAB for All’ sa...

Higit 250 homeless individuals nakatanggap ng regalo sa ‘LAB for All’ sa Mandaluyong

MANILA, Philippines – Nakatanggap ang mahigit 250 homeless individuals ng food packs at tulong kasabay ng “LAB (Lingap at Alagang Bayanihan) for All: Christmas for All” ang gift-giving project na ginanap sa Jose Fabella Center sa Mandaluyong City nitong Lunes, Disyembre 18.

Dinaluhan ito ng non-government organizations at key government officials.

“It is a whole-of-government approach with different government agencies working together with the First Lady Liza Araneta-Marcos taking the lead and of course, President Ferdinand R. Marcos, Jr.,” pahayag ni Interior and Local Government Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. sa kanyang opening remarks.

“This is not just a one-day project for Christmas but a continuous giving, loving, and sharing,” dagdag niya.

Nasa 253 benepisyaryo ang kasalukuyang naninirahan sa naturang center.

Maliban sa pagkain, sila rin ay bibigyan ng health care, social services, at livelihood assistance, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman Romando Artes said.

Lumahok din sa event sina MMDA Metro Manila Council President at San Juan Mayor Francis Zamora, MMDA Undersecretary Procopio Lipana, at MMDA Assistant General Manager for Operations David Angelo Vargas.

Kasama rin dito sina Department of Health-National Capital Region Regional Director Gloria Balboa, Metro Manila Mayors’ Spouses Foundation President Keri Zamora, at Assistant Secretary for Regional Operations Paul Ledesma.

Ilan pa sa mga proyekto sa ilalim ng “LAB for All” ay ang libreng laboratory testing, medical check-ups, family planning services at free medicines. RNT/JGC

Previous articleBilang ng mga sasakyan sa Metro Manila, dumami sa mga nakalipas na linggo – MMDA
Next articleDOTR pumirma ng kasunduan sa pagprotekta sa mga bata sa road accidents