Home METRO Higit 2K pasahero stranded sa pagtama ni ‘Kabayan’

Higit 2K pasahero stranded sa pagtama ni ‘Kabayan’

MANILA, Philippines- Hindi bababa sa 2,500 pasahero ang nanatiling stranded sa Manila North Port Terminal dahil ipinagbabawal ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat bunsod na rin ng tropical storm Kabayan, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Nitong Lunes ng umaga ay iniulat ng PCG na nasa 5,400 ang kabuuang stranded na pasahero ngunit bandang hapon ay pinayagan ding makabiyahe ang ilang barko ng 2Go dahilan para mabawasan ang bilang ng mga pasaherong stranded sa MNPT.

Ang mga barko ay biyaheng Cebu City, Butuan City, Tagbilaran City at Cagayan de Oro City .

Base sa huling bulletin nitong Lunes, ibinaba ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Kabayan sa low pressure area—na nag-aalis sa storm signals na dating itinaas sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleTolentino nagbitiw na sa Senate blue ribbon committee, CA
Next articlePinas nangakong magiging ‘pathfinder, peacemaker’ sa UNSC bid