Home NATIONWIDE Higit 3.8M video sa Pinas tinanggal ng TikTok

Higit 3.8M video sa Pinas tinanggal ng TikTok

MANILA, Philippines- Kinalos ng Tiktok ang mahigit 3.8 milyong video sa Pilipinas mula July hanggang September 2023 dahil sa community guidelines violations.

Inihayag ng social media platform na 98% ng videos ang p’roactively removed,” 87% ang tinanggal bago pa magkaroon ng views, at 95% ang inalis sa loob ng 24 oras.

“We use a combination of technology and moderation to identify and review potentially problematic content, with penalties including removing videos and banning accounts for Community Guidelines violations,” pahayag ng TikTok.

Anang Tiktok, pinaiiral nito ang “proactive approach” sa paglikha ng Community Guidelines, na available sa English at Filipino, na angkop sa nagbabagong digital landscape habang tumutugon sa emerging safety concerns.

“TikTok ensures that its policies align with local and global best practices and fosters diversity and inclusivity within a secure and positive digital space,” giit nito.

“TikTok has over 40,000 safety professionals dedicated to keeping TikTok safe. This team includes thousands of moderators around the world to provide the platform with around-the-clock support to review content that may violate its policies,” patuloy ng TikTok. RNT/SA

Previous article2 laglag sa higit P7.1M shabu
Next articleParusang kulong sa kasong libelo, tatanggalin ng Senado