Home NATIONWIDE Higit 300 Pinoy Hajj pilgrims, nasa Saudi Arabia na

Higit 300 Pinoy Hajj pilgrims, nasa Saudi Arabia na

430
0

MANILA, Philippines- Dumating na ang unang batch ng Filipino pilgrims sa Saudi Arabia para sa 2023 Hajj, ayon sa Philippine Embassy sa Riyadh nitong Linggo.

Binubuo ang grupo ng 292 kalalakihan at kababaihan na lumapag sa Prince Mohammed bin Abdulaziz International Airport sa Madinah nitong June 3 sakay ng Philippine Airlines flight.

Batay sa National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), sinabi ng Embahada na mahigit 7,200 Pilipino ang inaasahang dadalo sa Hajj ngayong taon, isang importanteng pilgrimage sa Mecca na dapat isagawa ng mga Muslim sa kanilang buhay.

Binigyang-diin ng Embahada ang kahandaan nito na umasisti sa Muslim Filipinos sa kanilang pagbisita, partikular sa inaasahang mga hamon sa pilgrims sa Kingdom dahil sa hindi magandang panahon tuwing Hajj, na kasado sa pagitan ng June 26 at July 1.

Nag-deploy naman ang Philippine Missions sa Saudi Arabia, katuwang ang Department of Foreign Affairs, ng Hajj assistance teams upang matiyak ang kaligtasan ng Filipino pilgrims habang nasa Kingdom.

Inihayag ni Embassy Chargé d’Affaires Rommel Romato, na sumalubong sa pilgrims, ang pasasalamat sa Saudi government para sa inisyatiba nito na mapagbuti ang karanasan ng pilgrims na bumibisita sa Two Holy Mosques.

“Millions of pilgrims, including those from the Philippines, will benefit from innovations such as automation of Hajj services and the Makkah Route initiative among others,” pahayag niya.

Batay sa NCMF, mayorya ng Muslim Filipino pilgrims na kalahok sa Hajj ay mula sa Lanao, Zamboanga, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, at Cotabato.

Ngayong taon, halos dalawang milyong international pilgrims ang inaasahang lalahok sa pagpayag ng Saudi Arabia sa full capacity para sa Hajj 2023 kasunod ng pagluluwag sa coronavirus restrictions.

Rekisitos ng Saudia Arabia’s Ministry of Health sa mga Muslim mula sa iba’t ibang bansa na magkaroon ng dalawang primary vaccination doses at isang ooster shot laban sa COVID-19.

Gayundin, mandatoryo ang bakuna laban sa influenza at meningitis.

Kabilang sa mga aprubadong COVID-19 vaccines sa Saudi Arabia ang Pfizer, Moderna, AstraZeneca, Covovax, Nuvaxovid, Sinophram, Sinovac, Covaxin, Sputnik-V, at Janssen (1 shot). RNT/SA

Previous articleUP: UPCAT 2024, matagumpay!
Next articleHigit 449M bata, naninirahan sa lugar na puno ng karahasan noong 2021 – ulat

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here