Higit 38K COVID-19 cases sumalubong sa unang araw ng Hulyo

Higit 38K COVID-19 cases sumalubong sa unang araw ng Hulyo

July 1, 2020 @ 4:58 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Tumuntong na sa 38,511 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa ngayong unang araw ng Hulyo base sa pinakahuling tala ng Department of Health.

Ito ay matapos na madagdagan ng 999 bagong kaso ngayong araw kung saan 595 ang fresh cases habang 404 naman ang late cases.

Ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire, sa 595 na fresh cases 175 dito ang nagmula sa National Capital Region (NCR), 134 sa Region 7, at 286 sa ibat-ibang lugar sa bansa.

Habang sa 404 late cases naman ay 131 dito ang mula sa NCR, 57 sa Region 7, at
216 naman sa ibat-ibang lugar sa bansa.

Nakapagtala naman ng 205 na bagong gumaling sa sakit sanhi upang umabot na sa 10,438 ang kabuuang  COVID-19 recoveries.

Sa deaths naman ay nakapagtala ng 4 na pumanaw kaya umakyat na sa bilang na 1,270. Jocelyn Tabangcura-DOmenden

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...