Home NATIONWIDE Higit 40 illegal recruitment agencies naikandado ng DMW ngayong 2023

Higit 40 illegal recruitment agencies naikandado ng DMW ngayong 2023

264
0

MANILA, Philippines- Naipasara ng mga awtoridad ang mahigit 40 illegal recruitment agencies sa buong bansa ngayong taon, ayon sa opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Martes.

“Mahigit 40 ang naipasara natin ngayon lamang taon na ito, at daan na po ‘yung sinampahan at tinulungan natin na mga kaso,” ani DMW Undersecretary Bernard Olalia sa televised public briefing.

“Tayo po ay aktibong tumutulong doon sa prostitusyon ng mga illegal recruitment at tumatayo tayong private prosecutor para po bigyan ng hustisya yung mga nabiktima ng illegal recruitment,” dagdag niya.

Inihayag ni Olalia na matapos magpatupad ang ahensya ng one-strike policy laban sa recruitment agencies ng land-based overseas Filipino workers (OFWs) na mayroong violation, tumaas ang bilang ng mga kasong inihahain laban sa mga ahensyang lumalabag sa mga polisiya.

“Dahil dito marami pong nasasampolan, gayundin po sa tinatawag nating disiplinary actions against the employer. Maraming naisampa na kaso dahil po sa bagong rules na ito at sisiguraduhin po na mabibigyan ng karapat-dapat na disiplinary action yung mga ‘di sumusunod sa batas,” pahayag niya.

Iminungkahi ni Senator Raffy Tulfo nitong Lunes ang paglalaan ng confidential funds para sa DMW upang labanan ang illegal recruitment ng OFWs.

“Hindi po namin hinihingi ‘yang confidential funds na ‘yan pero kung kami po ay susuportahan, gagamitin po namin ito sa tamang paraan. ‘Yung programa natin laban sa mga illegal recruiter kinakailangan natin ng mga magigiting na mga otoridad at mga tao na kayang hingan ng tulong. ‘Yan po ay gagamitin natin upang masugpo yung mga illegal activities,” ani Olalia.

Samantala, nagbabala rin siya sa OFWs na manatiling alerto at hinikayat silang magtiwala sa accredited agencies ng DMW kapag nag-aaply ng trabaho sa ibang bansa.

“Sa mga OFWs na naghahanap ng trabaho abroad, kaya tayo nagbibiktima ng illegal recruitment kasi tayo po ay nagpapabaya. Huwag po tayong papatol kapag meron nanghihikayat sa inyo na trabaho sa abroad, na imbes na visa, bibigyan ka tourist visa. Matagal na po natin sinasabi na huwag po nating patulan ‘yung too good to be true lalo na kapag may mga pangako na sa tingin ninyo kayo po ay mabibiktima ng isang illegal recruitment,” sabi niya. RNT/SA

Previous articleHiling ni PBBM sa ika-66 kaarawan: ‘Maging maayos ang agrikultura’
Next articleConfidential fund ng PCG, pinadaragdagan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here