Home NATIONWIDE Higit 40 sasakyan nagkarambola sa tulay sa US

Higit 40 sasakyan nagkarambola sa tulay sa US

UNITED STATES – Nagkarambola ang mahigit 40 sasakyan sa Chesapeake Bay Bridge, Maryland, sa Estados Unidos nitong Sabado, Enero 27.

Nagresulta ito sa 13 kataong nasaktan at pagsara sa lahat ng lane ng tulay sa loob ng anim na oras.

Ayon sa mga opisyal, ang 23 sasakyan ay sangkot sa initial chain-reaction collision, habang ang 20 iba pang sasakyan ay apektado ng secondary crashes.

Ang Chesapeake Bay Bridge ay may habang 6.9 kilometro. RNT/JGC

Previous articlePamahalaan nagbukas ng 25K slots sa libreng ICT training courses
Next articlePulis sa checkpoint sa Cavite, patay sa araro ng senglot