ANKARA – Mahigit 449 milyong mga bata ang naninirahan sa mga lugar kung saan laganap ang karahasan noong 2021, ayon sa international non-governmental organization Save the Children.
Noong 1982, idineklara ng United Nations (UN) ang June 4 bilang International Day of Innocent Children Victims of Aggression, para sa Palestinian at Lebanese children na apektado ng Israeli attacks.
Halos 24,000 serious violations laban sa mga bata ang naiulat sa armed conflicts noong 2021, batay sa UN report.
Kabilang sa pinakalaganap na krimen laban sa mga bata ang murder, mutilation, recruitment para sa giyera, at pagharang sa humanitarian aid.
May kabuuang 2,515 bata ang napaslang, habang 5,555 bata ang nagkaroon ng kapansanan sa parehong period, ayon sa ulat.
Noong 2021, kabilang ang Afghanistan, Democratic Republic of the Congo, Israel, Palestine, Somalia, Syria, at Yemen sa mga bansa na may pinakamaraming krimen laban sa mga bata.
Umakyat dina ng child abduction crimes at sexual abuse cases ng mahigit 20% mula sa nakaraang taon. RNT/SA