Home NATIONWIDE Higit 5K OFW repatriates nakatanggap ng tulong mula sa DMW ngayong taon

Higit 5K OFW repatriates nakatanggap ng tulong mula sa DMW ngayong taon

MANILA, Philippines – Nakatanggap ng tulong ngayong taon mula sa Department of Migrant Workers ang may kabuuang 5,325 OFW beneficiaries, sinabi ng DMW nitong Huwebes, Oktubre 26.

Sa pagdinig ng Committee on Overseas Workers Affairs sa House of Representatives noong Huwebes, sinabi ni DMW Acting Secretary Hans Leo Cacdac na P414 milyon ng P1.2-billion action fund ng departamento ang ginamit para magbigay ng tulong sa mga repatriated OFWs mula sa lindol sa Turkey, labanan sa Sudan, ang mga sakuna sa Gitnang Silangan, at ang Israel-Hamas conflict sa Israel, Gaza at Lebanon.

Sinabi ni Cacdac na ang pondo ay ginastos sa legal, medical at humanitarian assistance para sa mga OFW.

Idinagdag niya na ang mga repatriate ay nakatanggap ng P30,000 na tulong pinansyal sa kanilang pagbabalik, at ang mga repatriate na nagmula sa mga war zone ay tumatanggap ng P50,000.

“May balanse pa tayong around P780 million. Meron po tayong catch-up plan na sinasagawa for the last two months of the year. Most of these funds will be rolled over to 2024 anyway, at plano naman po natin na gugulin ito sa 2024,” sabi ni Cacdac.

Sinabi rin ni Cacdac na tinutulungan ang mga pamilya ng 746 OFW sa Israel at Gaza sa paghahanap ng kanilang mga kamag-anak sa ibang bansa.

Sa kabuuan, 744 na ang naitala, kung saan apat ang naiulat na patay at dalawa pa ang hinahanap.

Noong Miyerkules, binilang ng gobyerno ng Israel ang dalawang Pilipino sa mga hostage ng Hamas.

Ngunit ayon sa ulat ng GMA Integrated News, hindi pa nakakatanggap ng opisyal na kumpirmasyon ang Philippine Embassy sa Tel Aviv na kabilang ang mga Pilipino sa mga na-hostage ng Hamas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleMga paaralan sa buong bansa planong palagyan ng WiFi ni VP Sara
Next articleKasunduan sa transfer of prisoners pinirmahan ng PH, UK